![]() |
||||||||
History Religious Issues Heaven Can Be Yours Order Contact Us |
Table of Contents
|
![]() |
English • Español • Français • Deutsch • 日本語 • Telugu (India) • Arabic • Tagalog MAKAPUPUNTA KA SA LANGIT! Minsan sa America si Dr. R.A. Torrey ay nakikipag-usap sa isang babaing kabilang sa ma-taas na lipunan. "Huwag na ninyong hanggitin iyan," biglang sabi ng babae. "Masyado ko lang iisipin iyan . . . ayaw ko nang mag-isip. " Ang mga tao dito sa mundo'y nahahapo na sa pagka-kasala at maraming ayaw nang mag-isip. Sa palagay nila kapag di nila pinag-ukulan ng pan-sin ang paksa ukol sa kaligtasan sa walang hang-gan, ang lahat ay mapapabuti rin sa dakong huli. Taliwas sa katotohanan ang gayong palagay. Dapat pa nga ay taimtim na pakaisipin natin kung paano maiiwasan ang Impiyerno at kung paano naman makapupunta sa Langit upang makapiling doon ng Dios sa walang hang-gan. Nais ng lahat na makapunta sa Langit! Walang taong matino ang isipan na nanaisin pang tumahan magpakailanman sa Impiyerno na lubhang kakila-kilabot. Sa buong ministeryo ko bilang pastor, iisa ang nagsabi sa akin na ibig niyang pumunta sa Impiyerno. Siya'y isang bi-langgo na napatunayang nasisiraan pala ng bait kaya hindi nagtagal pagkatapos ng aming pag-uusap, inilipat siya sa isang ospital. Alam kong kayong bumabasa nito ay nais makapunta sa Langit balang araw. Sa isang awit ng "mga ali-ping Negro sa Alabama ay sinasabing maraming nagsasalita ukol sa langit, nguni't kaunti lamang ang makararating doon. Si Jesucristo lamang ang may kapama-. halaang magturo na higit ang dami ng mga taong pupunta sa Impiyerno kaysa pupunta sa Langit. Sinabi Niya sa Mateo 7:13, 14 "Pumasok kayo sa makipot na pintuan;sapagka 't maluwang dng pintuart at malapad ang daang patungo sa kapahainakan, at ito ang dma-raanan ng marami. Nguni't makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay at kaka-unti long ang makasusumpong niyon. " Samaka-tuwid, yamang lubhang mahalaga ang paksang ito, mabuting pansinin natin ang unang bagay: I. KASALANAN ANG HADLANG SA LANGIT May nagtatanong, "Bakit Hindi na long papasukin ng Dios sa Langit ang lahat pagka-matay nila para tapes na ang problema? Anong nakahahadlang sa Langit? Ang sagot ay kasala-nan. Malinaw ang wika ng Kasulatan na ang kasalanan ng tao ang dahilan kaya hindi siya makapapasok sa Kalangitan. Sa Pahayag (Apoc.) 21 inilalarawan ng Dios ang maluwalhating Kalangitan: may pintuang perlas, lansangang gintong kumikinang na tila kristal, at mga pader na yari sa batong haspe. Nguni't may babala Siya: hindi makapapasok doon ang ano mang bagay na marumi sa pani-ngin ng Dios, ang sinumang gumagawa ng kahi-hiyan at ang mga sinungaling. Yaon lamang may mga pangalang nakasulat sa akiat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang makapapasok sa lun-sod. Apoc. 21:27. Malinaw na walang makapapasok sa Langit na ano mang kasalanan, iii sino mang taong makasalanan. Sa Apoc. 22:15 sina-bi ng Dios, ". . . maiiwan sa lahas ng lunsod ang mga buhong, mga mangkukulam, mga mapaki-apid, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa dios-diosan at mga sinungaling sa salita at gawa." Ang idinidiin dito'y maiiwan sa labas ng Kalangitan ang bawa't makasalanan. Hindi maaaring dumhan ang maluwalhati at walang dungis na lunsod na iyon ng kahit isang kasala-nan ng sino mang makasalanan. Upang mapana-tiling dalisay ang Kalangitan, laliat ng makasalanan ay hindi papapasukin doon. Kung ang isang taong makasalanan ay papapasukin ng Dios sa Langit, gagawa pa rin ng ka-salanan ang taong iyon doon. Hindi niagtatagal doon ang isang Hitler o isang Kruschev at ma-muniuno siya sa isang rebolusyon. Pali pa ang lansangang ginto ay ipagbibili ng sakim na ne-gosyante, ang mga sinungaling ay hindi hihinto na dayain ang mga tinubos na ng Tagapagligtas na C'risto, pati ang mga anghel at maging ang Dios inismo. At ang mapakiapid ay magpapatu-loy sa mahaiay na pagnanasa kahit sa isipan lamang nila. Mat. 5:27, 28. Ang wika ng Dios sa Apoc. 22:1 1 "Ang masama ay magpaptuloy sa pagpapakasama, ang rnarumi sa pagpapakaru-mi. " Tunay na pag pumasok sa L.angit ang isang makasalanan, dudumhan niya iyon ng mga pag-salangsang niya. Dapat na sarhan ang Kalangitan sa mga makasalanang hindi natubos ni Cristo. Ito ang sabi sa I Cor. 6:9, 10 "Hindi ha nin-yo alam na ang mga makasalanan ay waiting ba-hagi sa kaharian ng Dios? Huwag ninyong dayain ang inyong sarilil Ang mga nakikiapid, su-masamba sa dios-diosan, nangangalunya, nakikiapid sa kapwa lalaki o kapwa babae, ang mga magnanakaw, masasakim, mapaglasing, mapan-lait o magiiaraya ang ganyang mga tao'y walang bahagi sa kaharian ng Dios." Ganyan din ang katotohanang nasa Efeso 5:5, 6: "Alam ninyo na walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Dios ang taong mapakiapid, mahaiay o mapag-imbot (sapagka't ang pag-iimbot ay pagsamba sa dios-diosan). Sa Gal. 5:19, 21 mababasa na; "Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumu-hay, kahalayan, pagsamba sa dios-diosan, pang-kukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit. imglalasing, walang tares na pagsasaya at iha pang tulad nifo. Binabalaan ko kayo tulad noong una, hindi tutanggapin sa ka-harian ng Dios ang gumagawa ng gayong inga bagay." Ang Kasalanan: Umiiral Ito sa Buong San-libutan. Maaaring isa ka sa nagpipilit patahimikin ang sariling budhi sa pamamagitan ng pagsasabi na kailanma'y hindi ka pumatay ng kapwa, hindi ka nangalunya, hindi nagnakaw ni nandaya kaninuman o gumawa ng alin man sa malulub-hang pagkakasala. Ito'y isang paalaala sa iyo: ang Dios ay walang pag-uuri-uri ng mga kasala-nan. Sa harapan ng Dios ang poot at kauri ng pagpatay; ang pagkainggit ay kapantay ng paki-kiapid: ang pag-aalitan ay kapareho ng paglala-sing at ang galit ay kauri ng pangkukulam. Walang pagkakaiba! Ang pahayag ng Dios sa Roma 3:22, 23 ay "Sapagka't ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Dios." Walang pagkakaiba ang isang reynang lipunan at ang babaing mababa ang lipad! Walang pagkakaiba ang presidente ng isang bansa at ang pulubi! Walang pagkakaiba ang pinuno ng baranggay at ang karaniwang magnanakaw! Kung ikaw ay isang mahusay at rnahait na babaing hindi pa nakapagtitiwala kay Cristo, kauri ka rin ng pina-kamasaniang habaing nagbibili ng lainan sa sino mang lalaki. Kung ikaw naman ay isang lalaking walang Cristo sa puso mo, kahit ka iginagalang ng lahat ay tinitingala ng buong bayan, katulad ka pa rin ng pinakamasamang sugapa sa bawalna gamot. Sa harapan ng Dios, walang pagkaka-iba. Pawang makasalanan ang lahat ng tao sa buong sanlibutan. Maaaring may pagkakaiba sa antas o kalub-haan ng pagkakasala at saka'sa bilang o dami ng kasalanan subali't pawang makasalanan. Dahil dito napipilitan ang Dios na isara ang pinto ng kalangitan sa kanila. Anong dami ng mga pahayag sa Kasulatan na ang lahat ay nagkasala sa harapan ng Dios at bilang makasalanan ay dapat parusahan sa walang hanggang pagdurusa sa Impiyerno! "Tunay na walang matuwid sa lupa, na gu-magawa ng mabuti, at hincii nagkakasala." Eccles. (Ang Mangangaral) 7:20. Job. 15:16 Isaias 53:6 Roma 3:10-12 1 Juan 1:8, 10 May mga nagkakasala nang higit kaysa ibang tao at may nagkakasala nang mas kaunti; gayunman lahat ay nagkakasala sa paningin ng Dios (Roma 3:10). Dinadaya mo ang iyong sarili pag ikinaila mo ito. Bukoil rito, para na ring tinawag mong sinungaling ang Dios! Si Cristo ang nagsabi na walang inatuwid, maliban sa isa at iyon ang Dios (Mat. 19:17). Para sa Dios, ikaw at ako ay kapwa makasalanan at dahil sa ating kasalanan ay nakasara ang pinto ng Langit sa atin. Dapat na May Isang Magbayad sa Kasalanan Dapat lutasin ang problema ng kasalanan. Ang pagsuway sa Dios ay kailangang parusahan. May ilang nagsasabing basta pinatatawad na lamang ng Dios ang mga kasalanan at wala nang hinihingi pang kabayaran o pagtutuwid ng mga kasalanang iyon. Wika pa ng iba ay yamang ang Dios ay pag-ibig, kailanma'y hindi Niya paruru-sahan ang sinumang nilalang Niya ng walang katapusang hirap sa Impiyerno. Datapwa't sa pangangatuwiran ng tao man at sa kapahayagan ng Dios, ang nasabing mga palagay ay kamangmangan. Ano kayang mang-yayari sa isang bansang walang pulis, walang bilangguan, walang sentensya o ano mang kapa-rusahan laban ^a kriminal, sa mga magnanakaw, sa rebelde at sa iba pang masasama? Paano ang bayan kung walang parusa sa lumalabag sa ba-tas? Paano na ang buo-ng mundo kung nasa ga-yong nakakikilabot na kalagayan? Katuwiran lamang na kailangang parusahan ang kasalanan at ang lahat ng lumalabag sa batas ay dapat ihiwalay sa mga walang kasalanan upang hindi nila magawa nang paulit-ulit ang kasamaan sa kapwa nila. Ganyan ang kataru-ngan ng Dios at ng mga utos Niya. Sinabi ng Kasulatan sa Ezek. 18:4, 20 ". . . ang kalulu-g wang nagkakasala ang dapat mamatay. " Maka-"tarungan ang Dios sa pahayag Niya sa Roma 6:23 na ". . .. Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan." Dapat manatili ang wagas na prin-sipyo sa Gal. 6:7, "Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; Ang Dios ay di madadaya ninuman. Kung anong inihasik ng too, iyon din ang kanyang aanihin. " Hindi matuwid na ang isang makasalanan ay patuloy na gumawa ng kasalanan at mana-tiling hindi pinarurusahan. Kaya, ang buod ng pahayag ng Biblia ay ang sumusunod: Salamat sa Dios, may pag-asa ang tao! Ma-luwalhati at mapalad ang ipinahayag ng Dios sa Kanyang Salita ukol sa mahalagang bagay na ito. II. SI CRISTO ANG DAAN SA LANGIT Sinasabi ni Cristo sa Juan 14 ang ukol sa kahanga-hangang Langit na inihahanda Niya. Itinanong ng alagad Niyang si Tomas ang napa-kahalagang bagay na nais malaman ng bawa't tao ang kasagutan: ". . . . paano namin malala-man ang daan " At sumagot si Cristo sa tala-tang 6, "Ako ang daan, ang katotohanan, vt ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." Pansinin mong niainam na si Kisto ang daan sa Langit, ang tangi at kaisa-isang daan patungo sa Langit. Walang taong makapupunta sa Ama ni sa maraming silid ng Ama roon maliban sa pamamgitan ni Cristo. Ito naman ang nasa liham ni Apostol Pablo sa Col. 1:27 "Suma-inyo si Cristo at dahil dito'y nagkaroon kayo ng pag-asang makapiling ng Dios sa kaluwalha-tian." Samakatuwid habang wala sa puso ng isang tao si Cristo, wala siyang tiyak na pag-asa sa Langit. Ang Kamatayan ni Cristo ang Nagbukas ng Langit sa Mga Taong Makasalanan Paano binuksan ni Cristo para sa makasala-nan ang nakapinid na pintuan ng Langit? Bina-yaran Niya ng Sarili Niyang buhay doon sa krus ng Kalbaryo ang hatol na kamatayan na dapat sana ay ipataw sa makasalanan. Si Cristo na ang umako ng ating pagkakasala. Makatarungan ang Dios: ibinibilang Niyang matuwid ang sinu-mang makasalanan na nagtitiwala kay Cristo bilang sarili niyang Tagapagligtas (Roma 3:26). Ang sakripisyong ito ng Dios sa Kalbaryo ay hinulaan ni
Propeta Isaias sa Isa. 53:4-6, Nagkakaisa ang buong Biblia sa pagsasay-say ng Ebanghelyo: na ang Tagapaglitas na si Jesucristo ang naghandog na sarili Niya para sa makasalanan at Siya ang pinarusahan sa halip nila. Ayon pa rin sa Biblia, "Sa Kanyang pagkamatay sa krus, dinala Niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tuluyan na noting iwan ang pagkakasala at ma-muhay ay on sa kalooban ng Dios. Kayo'y gumalmg sa pamamagitan rig Kanyang mga sugat." I Pedro 2:24. "Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, 'Narito nag Kordero ng Dios na nag-aalis ng kasalanan ng, sanlibutan' "Juan 1:29. "Nalalaman ninyong naparito si Cristi- upang pawiin ang ating mga kasalanan; At Siya'y wa-lang kasalanan. " I Juan 3 :5. "Sapagka't si Cristo'y namatay para sa inyo. Namatay Siya dahil sa kasalanan ng lahat^ang walang kasalanan para sa mga makasalanan upang iharap kayo sa Dios. Siya'y namatay ayon sa laman at muling binuhay ayon sa Espi-ritu."l Pedro 3:18. "Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at sa gayo'y pinatawad na ang ating mga kasalanan." Efeso 1:7. Ikaw na bumabasa nito, magpasalamat kang paulit-ulit sa Dios dahil sa iniwan ni Jesucristo na Kanyang Anak ang kaluwalhatian ng Langit upang bumaba Siya sa lupa. Dito ay nag-anyong alipin Siya (Fil. 2:7) para maialay ang Kanyang buhay bilang pantubos sa makasalanan (Mat. 20:28). Ganito ang dabi sa Biblia: "Nang waging tao, Slya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus." (Fil. 2:8). Isang di-maarok na bangin ng kasalanan ang nasa pagitan ng Dios at ng taong makasalanan. Hindi makaabot ang sino rnang makasalanan sa banal na Dios sa ano mang kaparaanan ng tao. Tanging si Jesucristo lainang ang nagsisilbing tulay sapagka't inihandog na Niya ang Kanyang sariling buhay doon sa krus ng Kalbaryo bilang pantubos sa mga taong makasalanan. Tunay na si Cristo ang tulay ng tao patungo sa Langit. Sapat ang Sakripisyo sa Kalbaryo para Kaninuman, para sa Lahat Wala nang sukat idahilan ang sino mang tao kung bakit hindi makapapasok sa Langit. Sapat na ang pagtitiwala niya kay Cristo upang magbigay sa Kanya ng walang hanggang kalig-tasan at ng karapatang mapasalangit. Ang pina-kamasamang lalaki at babae, ang pinakabuhong na kabataan at matanda ay makasusumpongng kapatawaran at kaligtasan sa Panginoong Jesucristo. Ang alok ng Dios ay "hindi Ku itataboy ang sinumang lumalapit sa Akin" (Juan 6 ;37) at "maltligtas ang sinumang tumatawag sa panga-lan ng Panginoon" (Roma 10:13). Maaaring maligtas at makapasok sa Langit ang sinumang nais maligtas! Binanggit na isa-isa sa 1 Cor. 6:9, 10 ang mga kasalanang kinapopootan ng Dios nguni't sa sumusunod na talatang 11 naman ay sinasabi ng Dios, "Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subali't kayo'y nilinis na sa inyong mga kasalanan at itinalaga kayo sa f)ios. Kayo'y pinawalang-sala na sa pangalan ng Panginoong Jesucristo at ng Espiritu ng Dios. " I Cor. 6:11. Oo, ano mang uri ng pagkakasala dito sa mundo ay makasusumpong ng kapatawaran sa Panginoong Jesucristo. Hindi kita nakikilala ni hindi ko alam ang mga kasalanang nagawa mo nguni't sa pamamagitan ng Salita ng Dios ay may matibay na garantiya na mapatatawad ka at maililigtas sa pamamagitan ng pagtitiwala mo kay Cristo Jesus. Hamunin man ng m'-indo at ng Impiyerno ang katotohanang ito ay hindi mabubuwag ang paglilinis ng dugo ni Cristo sa kasalanan ng tao. "Tayo'y . . . nililinis ng dugo ni Jesus na Kanyang Anak sa lahat ng ating kasalanan. " I Juan 1:7. Ang matamis na awiting Kristiano, "Amazing Grace" ay isinulat ni John Newton. Dati, itong si Newton ay isang lasenggo na ang buhay ay puno ng lahat ng uri ng bisyo at kasamaan. Gayunman sa higit nang isang daan taong naka-lilipas ay mababasa sa ibabaw ng puntod niya ang ganito: JOHN NEWTON Dati, noon, siya'y puspos ng kasalanan Lubos na binago ni Cristo si John Newton at ito ay gagawin din sa iyo at sa dimabilang ng mga makasalanang nararapat lamang itapon sa Impiyerno. Ang kasalanan ang humahadlang sa Langit subali't ang kamatayan ni Cristo ang siyang umako ng kasalanan. Ito ang nagbukas ng daan patungo sa Kalangitan sa sino mang taong nagnanais nito. Itinatanong mo ba kung paano mapapasa-iyo ang kaligtasang iniaalok sa iyo ni Cristo? Tingnan natin ang sinasabi ng Kasulatan; IH. PANANAMPALATAYA ANG SUSI SA LANGIT I sang bagay ang napakahirap unawain ng natural na isipan ng tao; na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at kailanma'y hindi sa magagawang kabutihan ng tao. Karaniwang akala ng tao ay makaka-mit ang Langit sa pamamagitan ng kanyang pagpupunyaging gumawa ng mabuti at matu-wid at kakayahang tumupad ng lahat ng gawa-ing relihiyoso. Sa palagay nila, basta mataas ang iyong moralidad at gumagawa ka ng mabuti sa iyong kapwa ay baka sakaling papa-sukin ka sa Langit balang araw. Datapwa't lubhang malinaw ang Kasulatan sa pagpapa-hayag na hindi sa ganitong mga paraan maka-rarating sa Langit. Talagang imposibleng mata-mo ang Langit sa pamamagitan ng pagsisikap sa relihiyon at sa personal na katuwiran at kabutihan. Ang wika sa Efeso 2:8, 9. "Dahil sa kagandahang-loob ng Dios ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito'y kaloob ng Dios, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya 't walang dapat ipagmalaki ang sinu-man. " Sa Tito 3:5-7 ay tahasang ipinagugunita sa mga nanalig na kay Cristo na, ". . . tayo'y iniligtas Niya. Natamo natin ito hindi dahil sa ating mahuhuting gawa kundi sa Kanyang habag sa alin. Naligtas tayo at ipinanganak na muli sa Espiritu Santo na siyang luminis at nagbigay ng bagong buhay sa atm. Sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo, ibinuhos sa atin ng Dios ang Espiritu Santo upang tayo'y paba-nalin ng Kanyang pag-ibig at kamtan natin ang buhay na ating inaasahan. " Tunay itong sinulat ni Augustus Toplady sa kanyang awit "Rock of Ages", "Ang sa aki'y sasakdal kahit pagsumikapan luha ko 'y magbatis man, Dugo ni Jesus lamang Bayad sa kasal.man." Ang Paraan ng Biblia ay ang Pananampala-taya. Sa Salita ng Dios ang kaisa-isang piano ng kaligtasan ay ito: pinatatawad ang kasalanan at tinatanggap ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya o pananalig. Tiyak ang pangako ng Dios na tata-han sa Langit ang lahat ng nananampalataya sa Kanyang Anak, ang Panginoong Jesucristo. Pan-sinin ang: "Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawa't mananalig sa Kan-ya ay tatanggap ng kapata-waran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng Kanyang pangalan."Gawa 10:43. "Alam naming ang tao'y pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesucristo at hindi dahil sa mga gawa ay on sa Kautusan. Nanalig din kami kay Crislo Jesus upang pawalang-sala ng Dios sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagka't ang tao'y di-mapawawalang-sala sa pamamagitan ng pagtahma sa Kautusan." Gal. 2:16. ". . . 'Mga ginoo, uno po ang dapat kong gawin upang ako 'y maligtas? '" Sumagot sila, "Sumampalatayu ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahanan." Gawa 16:30,31. "Sapagka 't ang pagpapawalang-sala ng Dios sa mga tao ay Hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasala-nan sa pamamagitan ng, Kautusan. Ngunit ngayo 'y nahayag na ang pagpapawalang-sala ng Dios sa tao. ltd 'y hindi sa pamamagitan ng batas, bagama't ito'y pinatotohanan ng Kautusan at ng mga propeta. Pinawawalang-sala ng Dios ang lahat ng nananalig kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa Kanya, rnaging Judio o Hentil. Sapagka't ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Dios. Gay unman, dahil sa Kanyang kagandahang-loob ay pinawalang-sala sila sa pamamagitan ni Cristo Jesus na nagpalaya sa kanila. Siya ang itinakda ng Dios na maging hcin-dog upang sa pagbububo ng Kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya. Ginawa ito ng Dios upang ipakilalang Siya y matuwid, sapagka't noong una, nagtimpi Siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng tao. At sa ngayon, pinawalang-sala Niya ang mga nananalig kay Jesus upang patunayang Siya'y matuwid. Sapagka't maliwanag na ang tao'y pinawalang-sala dahil sa pananalig kay Cristo, at hindi sa pagtupad sa Kautusan. " Roma 3:20-22, 24-26, 28.. "At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa Hang, gay on din naman, kaila-ngang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinu-mang sumampalataya sa Kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang bug-tong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka't sinugo ng Dios ang Kanyang Anak, hindi upang hatulang mapcirusahan ang sanlibutan, kundi upang ligtas ito sa pamamagi-tan Niya. Hindi hinahatulang maparusahan ang nana-nampalataya sa Bugtong ng Anak ng Dios, ngu-nit hinatulan nang parusahan ang hindi nana-nampalataya sa Kanya. " Juan 3:14-18. "Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak, hindi magkakaroon ng buhay �\ nanana-tili sa kanya ang poot ng Dios. " Juan 3:36. "Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na ipinangaral sa inyo na ang kapatawaran ng kasa-lanan ay sa pamamagitan ni Jesus. At ang lahat ng nananalig sa Kanya ay pinatawad sa lahat ng pagkakasalang hindi maipatawad sa inyo sa pa-mamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises. " Gawa 13:38,39. Sa iyo, mahal na bumabasa nito, hindi mo ba nakikitang ang kaligtasan ay ang pagtanggap sa paraang inilaan ng Dios at ito'y ang ginanap ng Kanyang Anak na si Jesucristo? Ginanap na ni Cristo ang pagliligtas sa iyo sa Kalbaryo. Mapa-pasaiyo ang tahanan sa Kalangitan sa sandaling pagtiwalaan mo si Jesucristo na patawarin ang mga kasalanan mo at dalhin ka Niya sa Langit balang araw. Gagawin mo ba ito ngayon? Mag-tiwala ka lamang sa Kanya. Hindi Siya nagsi- smungaling (Tito 1:2). Tutuparin ng Dios ang pangako Niya na gagawin Niya sa lahat ng tu- matanggap ka Cristo bilang sariling Tagapaglig- tas. Ang bahagi mo'y simpleng pagtanggap at pag- titiwala sa Salita ng Dios. Minsan, ang dakilang tao ng pananampala-taya na si Martin Luther ay tinanong kung sa pakiramdam niya'y pinatawad nang lahat ang kanyang mga kasalanan. Sumagot siya, "Hindi, hindi ko nararamdamang pinatawad na ang aking mga kasalanan kundi talagang alarn kong pinatawad na nga ng Dios, dahil iyon ang sinabi ng Dios sa Kanyang Salita." Ito ang tunay! Ipi-nangako ng Dios ang kaligtasan sa lahat ng tuinatanggap sa Anak Niya bilang sarili nilang Tagapagligtas. Ngayon kung tinatanggap mo si Cristo sa iyong puso, sa iyo na ang kaligtasan at ang kalangitan. Ito ang sinabi ng Dios sa Kanyang Salita. Namatay si Jesucristo upang iligtas ka. Magtiwala ka sa Kanya. Hayaan mong iligtas ka Niya ngayon din. Hindi Maililigtas ng Dios ang Mga Tumatanggi Kay Cristo Bago ko tapusin ang mensahe kong ito ay may isang babala ako sa iyo: Lubos na walang kahulugan ang ginanap na pagliligtas ni Cristo sa Kalbaryo sa sinurnang tumatanggi kay Cristo. May paalaala sa Hebreo 10:26, 27 na ganito: "Kung matapos noting makilala at tang-gapin ang katotohanan ay magpatuloy pa rin tayo sa pagkakasala, wala nang haing maihahan-dog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Wala nang natitira kundi ang nakapangingi-labot na paghihintay sa darating: ang Paghuhu-kom at ang nangangalit na apoy na tutupok sa mga kalaban ng Dios! " Walang ibang paraan ng kaligtasan sa taong humahamak sa sakripisyong ginawa ni Cristo sa Kalbaryo nang Siya'y naniatay doon, inilihing at pagkatapos ng ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli. May isang di-karaniwang kasaysayan sa Amerika tungkol sa isang lalaking si George Wilson. Si Wilson ay isang kawani sa koreo ng istasyon ng tren sa Pennsylvania. Natukso siyang nakawin ang mga sulat na rchistrado sa upisina nila at tuloy pinatay niya ang kasama niyang kawani roon. Nang matagpu-an silang dalawa ay nakagapos si Wilson sa tabi ng bang-kay at ang sabi niya'y ninakawan sila ng isang pangkat ng mga bandido. Subali't sa pagsisiya-sat ay natuklasang lahat ay gawa-gawa lamang ni Wilson. Kaya walang nangyari sa maitim na balak niya at inamin niya ang sala. Hinatulan siyang hitayin hanggang sa mainatay. Saman-tala, habang hinihintay ang araw ng pagbitay sa kanya, kumilos ang mga kaibigan niya. Nag-pakalat sila ng kahilingan na pawalang-sala si Wilson. Napakaraming nakipanig sa kahilingang iyon. Sa wakas, pimrmahan ni Presidente Jackson ng Estados Unidos ang papeles ng pagpapa-tawad kay Wilson sa krimeng ginawa niya. Maaari nang palayain si Wilson! Nagulat ang buong daigdig nang kumalat ang balitang tinanggihan ni Wilson ang kala-yaan. Iginiit niyang siya'y bitayin alinsunod sa hatol ng Hukuman. Nakaabot hanggang sa Korte Suprema ang kaso. Ipinasiya ng Korte na walang bisa ang kapatawaran hanggang hindi ito tinatanggap ng taong pinatatawad. Isinulat ni Hukom John Marshall, isa sa pinakamahusay na abugado sa Amerika at pangallo sa mgapangulong hukom ng Korte Suprema ang pasiya ng hukuman na, "Ang pagpapatawad ay mahalaga kung tinatanggap ng taong nasasangkot dito. Yamang tinatanggihan ito, hindi na Ural ang kapatawa-ran, Dapat bitayin si George Wilson." Sa espiritual na paglalapat ng kasaysayang ito ay ganito rin ang nangyayari. Makasalanan ka at hinatulang parusahan sa walang hanggang Impiyerno. Kung nasa wasto kang pag-iisip, hindi mo tatanggihan ang kapatawarang igina-gawad ng Dios sa iyo. Iniibig ka ng Dios sa kabi-la ng pagkakasala mo kaya't ibinigay Niya ang Anak Niyang si Jesucristo upang siyang parusahan sa halip mo. Subali't kapag tinanggihan mo ang kapatawarang mula sa Dios, walang bisa ang kapatawarang iyon sa iyo. Sarnakatuwid, dapat kang parusahan sa Impiyerno dahil sa mga kasa-lanan mo. Ito'y walang hanggang kamatayan sa Espiritu, walang hanggang pagkawalay sa Dios. Huwag Mong Tanggihan ang Pagpapatawad ng Dios, Magtiwala ka Kay Cristo Ngayon Oo, maaaring mapasaiyo ang Kalangitan! Bago maging huli ang lahat, pakinggan mo ang babala ng Salita ng Dios laban sa pagpapaliban mo ng pagtanggap kay Cristo. Narito ang mga sinasabi ng Dios sa iyo: "Huwag ipaghahambog ang araw ng bukas, pagka't di mo alam kung ano ang magaganap. " Kawikaan 27:1. "Ang taong ayaw magbago ay hindi malilig-tas. Ang hindi makinig ng payo ay mapapaha-mak." Kawikaan 29:1. "Kaya't gaya ng sabi ng Espiritu Santo, 'Kapag narinig ninyo ngayon ang tawag ng Dios, Huwag maging matigas ang inyong ulo tulad noons maghimagsik kayo.. ." Heb.3:7,8. "Tingnan ninyo! Ngayon na ang pana-hong nararapat! Ngayon ang araw ng paglilig-tasr'll Cor. 6:2. Pagpapasiya Para Kay Cristo Kung nais mong makatiyak ng Kalangitan at kung tinatanggap mo si Jesucristo bilang sarili mong Tagapagligtas ngayon, pirmahan mo ang naritong kapasiyahan. At sa lalong macla-ling panahon, ipahayag mo sa mga iba ang kalig-tasang tinamo mo sa Panginoong Jesus. Para sa karagdagang kaalaman at payo tungkol sa bagong buhay kay Cristo, sumulat kayo o makiugnay sa: |
![]() |